Murang Halaga Ang babayaran lamang ay ang halaga ng mga materyal na gagamitin sa kurso.Pagkakaibigan at Pananampalataya Sinusuportahan ng mga kasali ang isa’t isa sa kanilang pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pag-aaral na pang-espirituwal at pang-akademiko.Lokal at Online Kabilang sa kurso ang harapang pagtitipon ng mga lokal na miyembro at online na mga sanggunian o resources para sa pag-aaral ayon sa sariling oras.
Ang EnglishConnect ay programang nagtuturo ng wikang Ingles na pinangangasiwaan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Layunin ng EnglishConnect na tulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kasanayan sa Ingles sa kapaligiran na naghihikayat ng pagkakaibigan at pananampalataya.
Mga Natatanging Pakinabang
Ang pagkakaroon ng kasanayan sa Ingles ay makapagbibigay ng mga bagong oportunidad sa trabaho, edukasyon, paglilingkod, at pagkakaibigan. Gayunman, may mga nagiging balakid sa maraming tao sa buong mundo na makapag-aral ng Ingles tulad ng gastos, distansya, panahon, kawalan ng tiwala sa sarili, at access. Ang EnglishConnect ay nagbibigay ng natatanging oportunidad para sa mga mag-aaral sa iba’t ibang dako ng mundo na:
- Makasali sa mga English conversation group na layong maghikayat ng pagkakaibigan at magpalakas ng pananampalataya.
- Makakuha ng mga kagamitan para sa personal na pag-aaral sa murang halaga o walang bayad.
- Mapagsama ang pag-aaral na pang-espirituwal at pang-akademiko upang mas maitaguyod ang sarili.
Ang pag-aaral ng wika ay nangangailangan ng determinasyon, oras, sigasig, suporta, at pagpapraktis nang kusa. Ang mga kurso ng EnglishConnect ay ginawa upang tulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa sarili nilang pag-aaral at magtulungan sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
Mga Layunin ng Kurso
Ang mga EnglishConnect course ay tumutulong sa mga mag-aaral na:
- Mas mapalakas ang pananampalataya
- Maging mas mahusay na mga mag-aaral
- Magkaroon ng kasanayan sa English
Ang kursong EnglishConnect 1 at 2 ay tumutulong sa mga mag-aaral na masanay sa pakikipag-usap gamit ang basic o simpleng Ingles. Inihahanda ng EnglishConnect 3 ang mga mag-aaral para sa mga oportunidad na pang-akademiko – lalo na sa BYU-Pathway Worldwide..
EnglishConnect 1 at 2
Ang kursong EnglishConnect 1 at 2 ay itinuturo ng mga miyembro at missionary ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at pinangangasiwaan sa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na lider ng Simbahan. Ang mga conversation class ay idinaraos nang lingguhan, karaniwan sa isang lokal na meetinghouse. Ang mga materyal ng kurso ay makukuha online o sa print format.
- Lingguhang Conversation Class
- Pinangungunahan ng Tagapagturo: Mga lokal na miyembro o magkompanyon na missionary
- 30 min - Pagtalakay sa isang alituntunin ng ebanghelyo
60 min - praktis ng pag-uusap sa English - Mga sanggunian para sa personal na pag-aaral na makikita sa print at online
- Pang-araw-araw na praktis
- Pagtatakda ng mithiin at pag-track sa mga nagawa
EnglishConnect 3
Ang EnglishConnect 3 ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng BYU Pathway Worldwide na may suporta mula sa mga miyembro at lider ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang EnglishConnect 3 ay isang self-paced online course na pinangungunahan ng isang mag-aaral at idinaraos linggu-linggo online o sa isang lokal na meetinghouse.
Sa pag-register para sa EnglishConnect 3 ang mga mag-aaral ay binibigyan ng 14 na linggo na ma-access ang online learning resources at makatanggap ng kani-kanyang feedback sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Ang online learning resources ay competency-based, ibig sabihin sumusulong ang mga mag-aaral sa kanilang kurso habang nagkakaroon sila ng partikular na kasanayan sa English. Maaaring ulitin ng mga mag-aaral ang EnglishConnect 3 nang maraming beses kung kinakailangan upang makamtan ang kanilang mga mithiin.
- Low Cost: Cost Varies by Country
Learn More - Self-paced online course na competency based
- 90 min: lingguhang klase na pinangungunahan ng isang mag-aaral