Pagsuporta sa Gawain ng Diyos
Ang mga miyembro, misyonaryo, at mga kaibigan ng Simbahan ay maaaring gamitin ang EnglishConnect para mamuhay sa ebanghelyo, mag-imbita ng iba para tanggapin ang ebanghelyo, at pangalagaan ang mga nangangailangan.
Ang layunin ng EnglishConnect ay tulungan ang mga indibidwal na palawakin ang kanilang mga oportunidad sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kanilang mga kasanayan sa Ingles sa kapaligirang may pananampalataya, pagsasamahan, at paglago.
Ang nahasang kasanayan sa Ingles ay nakakapagpabuti sa mga oportunidad para sa paglilingkod, trabaho, at edukasyon Ang mga mag-aaral na nakatapos sa EnglishConnect3 ay mas magiging handa para makakuha ng degree sa pamamagitan ng BYU-Pathway Worldwide.
6 na mga Hakbang para Magsimula ng isang Grupo
1. Ang counsel na may mga priesthood leader sa pangitain at mga layunin
Ang mga priesthood leader at espesyalista ng pag-asa sa sarili ay dapat magtulunganupang pagpasiyahan kung ano ang mga antas ng EnglishConnect na iaalok at anong klase ng grupo ang nababagay sa kanilang mga pangangailangan. Maaari mong i-search ang QuickReg para malaman kung mayroon ng grupo sa lugar mo.
I-search ang QuickReg
2. Tumawag at magsanay ng mga guro
Kakailanganin mo ng kahit isang guro para sa bawat antas at oras, at dalawa para mga grupong may mga menor de edad. Siguruhing mayroong espesyalista ng kapakanan at pagtitiwalapag-asa sa sarili na makikipag-ugnayan sa programa at magrehistro sa mga grupo sa QuickReg.
3. Mgabigay ng mga materyales
Ang mga digital at nalimbag na mga materyales ay mayroon para sa mga mag-aaral, mga guro, at mga lider. Ang lahat ng kalahok ay dapat mayroong access sa mga sanggunian na nababagay sa kanilang mga tungkulin.
4. Pagpasiyahan ang lokasyon at lawak
Sunod, pagpasiyahan anglokasyon at lawak ng grupo. Maaaring makatulong na itakda ang kaganapan sa kalendaryo ng gusali.
5. Magrehistro sa QuickReg
Ang QuickReg ay ang opisyal na kagamitan sa pagpaparehistro sa Simbahan para sa pag-asa sa sarili at EnglishConnect 1 at 2 na mga grupo. Sa QuickReg, maaari kang bumuo at mamahala ng grupo at mag-imbita ng mga kalahok. Maaaring maghanap ang mga kalahok ng grupo at magparehistro ng sarili nila maliban sa ibang mga benepisyo. Aabutin lang ng ilang minute sa i-set up ang iyong grupo sa QuickReg.
6. Mag-imbita at i-welcome ang mga kalahok
Sa set up ng grupo mo, maaari mong simulan na mag-imbita ng mga mag-aaral na lumahok. Gumamit ng aprubadong EnglishConnect na mga materyales ng kamalayan para gawin ito.
Tulong sa mga Mag-aaral na Manatiling Interesado

Bumuo ng pangmatagalang grupo ng EnglishConnect sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mag-aaral:
Na maramdamang kabilang sila
“Ang EnglishConnect ay naging mahalaganag karanasan sa akin. Naniniwala ako na ang EnglishConnect ay maaaring maging biyaya sa buhay ng maraming tao. Maaari itong magbigay ng diwa ng komunidad at samahan, isang paraan para mapalago ang ating pananampalataya, at isang platform para sa personal na pag-lago at pag-unlad."
- Samson Obaji, Nigeria
- Gumawa ng plano para sa pag-imbita at pag-welcome sa bagong mga mag-aaral
- Makipag-ugnayan nang madalas para imbitahin ang pagbabalik kung may nakaligtaan silang grupo ng pag-uusap
- Bigyan ang mga mag-aaral ng mga oportunidad para maturuan ang isa't-isa.
Gamitin ang Ingles sa mga pag-uusap sa grupo at sa tahanan
“Ang lingguhang pagtitipon ang paborito kong bahagi ng programang ito. Isang kagalakan na makakilala ng ibang mga mag-aaral at mga misyonaryo. Nasiyahan kaming magkakasama at magbahagi ng aming mga kaisipan. Napagbuti ko ang aking kakayahan sa Ingles sa pamamagitan ng paglahok ko sa mga pagtitipon.”
- Monika Elimable, Haiti
- Makipag-usap gamit ang Ingles sa mga kalahok
- Gugulin ang karamihan ng oras sa mga gawaing pang-komunikasyon na pagsasanay
- Hikayatin ang mga mag-aaral na sanayin ang Ingles araw-araw
Alamin kung saan ang kasunod na pupuntahan at kung paano makarating doon
“Bago ang EnglishConnect, hindi ko alam kung paano ko aabutin ang mga estudyante, propesyonal, at pansarili kong mga layunin. Ngayon, may plano na ako kung paano ko makakamit ang mga ito. Umuunlad ang aking mga layunin sa buhay sa EnglishConnect habang napagbubuti ko ang aking kasanayan sa Ingles.
- Sergio Alvarez, United States
- Pag-usapan ang tungkol sa susunod na antas ng EnglishConnect nang madalas
- Mag-imbita ng BYU-Pathway EnglishConnect na mga misyonaryo para bisitahin ang iyong grupo at tulungan ang mga mag-aaral na maghanda para sa EC3.
- Tulungan ang mga mag-aaral na magtakda ng mga layunin at gumawa ng plano
- Ituro kung paano epektibong gumawa ng pagsusuri
Paano kaya ito lalabas
Narito ang isang halimbawa kung ano ang mga tala mula sa isang stake o ward council para makapagsimula..

EnglishConnect sa Clark Farms Stake
Ang aming layunin:
Gamitin ang EnglishConnect para matulungan ang mga miyembro ng stake na mapalalim ang kanilang pagkadisipulo at palawakin ang kanilang pag-asa sa kanilang sarili sa mga oportunidad sa pamamagitan ng pagkatuto sa Ingles gamit ang pag-aaral at pananampalataya.
Mga inaalok na programa:
EnglishConnect 1 at 2
Mga detalye ng pagpupulong ng grupo:
Tuwing Martes, 7:00 p.m. - 8:30 p.m., Gusali ng Simbahan ng San Antonio, Relief Society na silid
Mga Aksyon:
Tawagin ang mga guro
- Sister Torres at Mendoza, EnglishConnect 1
- Brother Castillo at Morales, EnglishConnect 2
Magtalaga ng program coordinator
- Sister Mendoza - espesiyalista ng pag-asa sa sarili
Bumuo ng plano ng mga komunikasyon
- Informational na pagpupulong, Nobyembre 15
- Isama sa mga bulletin ng ward at mga social media channel ng ward
- Mga paalala sa email
Mag-order ng mga materyales
- Dalawampung kopya ng manwal ng mag-aaral sa classroom
- Dalawampung indibidwal na kopya ng mga workbook ng mag-aaral
Gabay na Flyer sa Mabilis na Pagsisimula

I-download ang flyer na ito para madaling maibahagi ang web page na ito sa iba na gustong matagumpay na maglunsad ng EnglishConnect group.