x
A teacher sits at a table, leading a council meeting
A teacher sits at a table, leading a council meeting
Pagsisimula para sa Mga Guro

"Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagtuturo. Iniibig namin kayo at pinahahalagahan kayo nang higit pa sa kaya naming sambitin. Malaki ang tiwala namin sa inyo."

Jeffery R. Holland | “Isang Guro na Nagmula sa Diyos”

EnglishConnect Teacher Manual.png

Salamat sa paglilingkod!

Umaasa kaming madarama ninyo ang pagmamahal ng inyong Ama sa Langit at madama ang katiyakan na ang inyong mga pagsisikap ay nagpapala sa mga buhay ng mga mag-aaral ngayon at sa hinaharap. Upang maging matagumpay, kailangan mong maunawaan ang layunin ng EnglishConnect at ang iyong papel sa pagkamit ng layuning iyon gaya ng nakabalangkas sa manwal ng guro.

Pumunta sa Manwal

Ano ang aking gampanin?

Teacher Overview.jpg

Pinakamahalaga mong gampanin ang lumikha ng kapaligiran kung saan nadarama ng mga mag-aaral ang Espiritu, nadaramang sila ay kabilang, at nadarama ang kumpiyansa na sa tulong ng Ama sa Langit ay matututo sila ng Ingles.

Tandaan, ang Espiritu ang tunay na guro. Gampanin mong lumikha ng kapaligiran kung saan makapagtuturo ang Espiritu. Matutulungan mo ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal at suporta at matutunan kung paano humingi ng tulong sa Ama sa Langit upang matuto ng Ingles.

Hindi mo kailangang maging eksperto sa pagtuturo ng Ingles. Nasa manwal ng mag-aaral ang lahat ng kailangan mo. Habang hinahangad mo nang nananalangin ang katuparan ng tungkuling ito at ang pagpapabuti, tutulungan ka ng Ama sa Langit (tingnan ang Eter 12:27).

Faith - EnglishConnect Principles of Learning

Pananampalataya

(2:07 – Available lang sa Ingles)

Fellowship - EnglishConnect Principles of Learning

Pakikisama

(1:55 – Available lang sa Ingles)

Growth - EnglishConnect Principles of Learning

Pag-unlad

(2:26 – Available lang sa Ingles)

Speak English - Getting Started for Teachers

Magsalita ng Ingles

(2:10 – Available lang sa Ingles)

Learn by Doing - Getting Started for Teachers

Matuto sa pamamagitan ng paggawa

(2:15 – Available lang sa Ingles)

Habang naghahanda kang magturo sa EnglishConnect, isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano ako makapaghahanda sa espirituwal na paraan?
  • Paano ko maaanyayahan ang Espiritu sa bawat grupo ng pag-uusap?
  • Paano ko matutulungan ang lahat na makaramdam ng pagtanggap at kumpiyansa?


Higit Pang Matuto


Bumalik sa simula

Paano ako magiging matagumpay?

English-Lesson-Plan_Teacher.jpeg

Maraming bagay ang maaari mong gawin upang matulungan ang mga mag-aaral sa iyong grupo ng pag-uusap na matuto ng Ingles at mapagyaman ang pananampalataya. Hanapin nang lubos na nananalangin ang patnubay ng Espiritu habang iyong isinasaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at nagsusumikap na umunlad.

Tulungan ang mga Mag-aaral na Isabuhay ang Mga Prinsipyo ng Pagkatuto

Sa EnglishConnect, sinisikap nating matuto “sa pag-aaral at gayundin sa pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118). Bilang isang grupo, pag-aaralan ninyo at isasabuhay ang anim na prinsipyo ng pagkatuto. Inilalarawan ng mga prinsipyong ito kung ano ang aming pinaniniwalaan tungkol sa bawat kalahok, at ang kanilang kakayahang makipagtulungan sa Diyos upang makamit ang kanilang mga mithiin.

Magiging pinakamatagumpay ka kung hinahangad mo ang Espiritu na tulungan ang mga mag-aaral na isabuhay ang mga prinsipyong nakalista sa ibaba. Pag-aralan nang lubos na nananalangin ang bawat prinsipyo. Planuhin kung paano mo matutulungan ang mga mag-aaral na isabuhay ang mga prinsipyong ito habang nagtutulungan silang matuto ng Ingles.

Sundin ang Mga Gawain sa Manwal ng Mag-aaral

Discuss the Principle of Learning - Getting Started for Teachers

Talakayin ang Prinsipyo ng Pagkatuto

(2:42 – Available lang sa Ingles)

Activity 1: Practice the Patterns

Gawain 1

(2:30 – Available lang sa Ingles)

Activity 2: Create Your Own Sentences

Gawain 2

(2:10 – Available lang sa Ingles)


Activity 3: Create Your Own Conversations

Gawain 3

(2:33 – Available lang sa Ingles)

Evaluate - Getting Started for Teachers

Magtasa

(2:08 – Available lang sa Ingles)

Maghangad na Bumuti

Habang nagsisikap ka nang lubos na nananalangin na gampanan ang tungkuling ito, tutulungan ka ng Espiritu na malaman kung paano magpapakahusay. Pag-aralan ang mga prinsipyo sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas at ang mga prinsipyo ng pagkatuto. Kilalanin kung ano ang iyong ginagawa nang mahusay. Tukuyin ang mga bahaging gusto mong mapabuti at gumawa ng mga partikular na plano para isabuhay ang iyong natututunan.

Bilang guro sa EnglishConnect, mayroon kang natatanging responsibilidad na lumikha ng kapaligiran kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring “hanapin ang pagkatuto, maging sa pag-aaral at gayundin sa pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118). Matutulungan ninyong kumilos nang may pananampalataya ang mga mag-aaral upang maranasan ang pangako ng Tagapagligtas na “posible ang lahat ng bagay sa Diyos” (Marcos 10:27). Ipagpapala ng karanasang ito ang kanilang buhay higit pa sa EnglishConnect.

Magtiwala na tutulungan ka ng Ama sa Langit habang hinahangad ang Espiritu at ginagawa ang lahat ng iyong makakaya. Manampalataya na ibibigay sa iyo ng Espiritu ang patnubay na kailangan mo, maging “sa mismong sandali” (Doktrina at mga Tipan 100:6). Habang hinahangad mo ang Espiritu at iniibig yaong mga tinuturuan mo, makakalikha ka ng kapaligiran kung saan madarama ng mga mag-aaral ang Espiritu, madarama ang malugod na pagtanggap, at madarama ang kumpiyansa na tutulungan sila ng Ama sa Langit na matuto ng Ingles.

Higit Pang Matuto

Bumalik sa simula

Hanapin ang Pagkatuto sa Pag-aaral at sa Pananampalataya

Two men with white shirts and ties on

Ang pundasyon ng karanasan sa EnglishConnect ay ang pagtulong sa mga mag-aaral na “maghangad ng pagkatuto, maging sa pag-aaral at gayundin sa pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118). Nakasentro sa prinsipyo ng pagkatuto ang bawat aralin sa EnglishConnect. Ito ang mga prinsipyong espirituwal na tumutulong sa ating umasa sa Panginoon upang madagdagan ang ating kakayahang matuto at magturo. Matutulungan tayo ng mga prinsipyo ng pagkatuto na maunawaan ang ating mga tunay na potensyal at ang kakayahan ng Tagapagligtas na tulungan tayo. Kabilang sa mga prinsipyo ng pagkatuto na ating pag-aaralan at ipapakita sa EnglishConnect ay:

Ikaw ay Anak ng Diyos
Sa EnglishConnect, alam nating ang bawat kalahok ay anak ng Diyos na may walang hanggang potensyal. Tayo ay Kaniyang iniibig at nais tulungang magtagumpay. Maaari tayong manalangin sa Kaniya at tumanggap ng Kaniyang tulong. Kapag naunawaan natin ang ating tunay na potensyal, matutulungan tayo ng Diyos para magawa ang mga bagay na tila imposible—kabilang ang pag-aaral ng Ingles. Matutulungan mo ang mga mag-aaral na maunawaan ang kanilang tunay na katangian bilang anak ng Diyos. Matutulungan mo silang matutunang makipagtulungan sa Diyos sa pag-aaral ng Ingles.

  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal ng Diyos?  
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na humingi ng tulong sa Diyos habang nag-aaral sila ng Ingles?
Manampalataya kay Jesucristo
Layunin ng EnglishConnect na tulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng mga kasanayan sa Ingles sa kapaligirang nagpapayaman ng pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Inaanyayahan namin ang mga mag-aaral na matutunan ang tungkol kay Jesucristo at manampalataya sa Kaniya. Sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan ni Jesucristo, makatatanggap tayo ng lakas at tulong para matuto at magbago.

Makakatulong ka sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga mag-aaral na manalangin para sa lakas at kumilos nang may pananampalataya upang makamit ang kanilang mga mithiin. Ipahayag ang iyong pananampalataya. Anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pagkilos nang may pananampalataya para pangibabawan ang mga pagsubok at maisakatuparan ang kanilang mga mithiin.

Isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong:
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na manampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ingles?
  • Paano ko matutulungan partikular yaong hindi miyembro ng Simbahan o hindi pamilyar sa mga turo ni Jesucristo?
Umako ng Pananagutan
Bilang mga anak ng Diyos, may kapangyarihan tayong piliin ang kahihinatnan nating pagkatao. Bagama't matutulungan tayo ng iba, dapat nating piliing gawin ang gawaing kinakailangan upang makamit ang ating mga mithiin sa pag-aaral.

Upang umunlad, dapat akuin ng mga mag-aaral ang pananagutan sa kanilang sariling pagkatuto. Mahalagang bahagi ng pagkatuto ang paglahok sa lingguhang klase. Gayunpaman, ang pagpapraktis araw-araw ang tanging paraan para matuto ng wika. Makakatulong ka sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga mag-aaral na magtakda ng mga mithiin sa arawang pagpapraktis at kumilos nang may pananampalataya upang maisakatuparan ang kanilang mga mithiin.
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na umako ng pananagutan na mag-aaral at magpraktis ng Ingles araw-araw?
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na maghanda para sa grupo ng pag-uusap?
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na kilalanin ang kanilang pag-unlad?
Mahalin at Turuan ang Isa't Isa
Isa sa mga pinakakahanga-hangang bahagi ng EnglishConnect ay ang karanasan ng sama-samang natututo sa ating mga grupo ng pag-uusap. Habang magkakasama tayong nagmamahal, nagtuturo, at natututo, inaanyayahan natin ang tulong ng Diyos, at lumalago ang ating kakayahan.

Magiging pinakamatagumpay ang mga mag-aaral kapag tinutulungan at tinuturuan nila ang isa't isa. Maaaring mahirap matuto ng wika, at makakatulong sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng matulunging grupo upang magpatuloy maging sa panahong nasisiraan sila ng loob o nais nang sumuko. Tungkulin mong lumikha ng kapaligiran kung saan nararamdaman ng mga mag-aaral na iniibig sila at kumportable silang nakikipag-ugnayan at sumusuporta sa isa't isa. Tulungan ang mga mag-aaral na makilala ang isa't isa at bumuo ng mga relasyong nakabatay sa tiwala.

Isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong:
  • Paano ko matutulungan ang grupo na mabuo ang mga pakiramdam ng tiwala at pakikipagkapwa?
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na turuan ang isa't isa at magbahagi ng kanilang mga karanasan?
Sumulong
Ang pag-aaral ng wika ay nangangailangan ng oras, pagsisikap, at pagtitiyaga, ngunit hindi tayo nag-iisa. Matutulungan tayo ng Diyos na magkaroon ng lakas at tapang upang patuloy na magsumikap patungo sa ating mga mithiin.

Gustung-gusto ng Panginoon ang pagsisikap. Pagpapalain Niya ang ating mga pagsisikap. Maaari tayong sumulong at patuloy na magpraktis araw-araw, na nagtitiwalang tutulungan Niya tayong matuto. Anuman ang mga hamon na kinakaharap natin, maaari tayong sumulong nang may pananampalataya.

Isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong:
  • Paano ko mailalapat ang mga prinsipyong ito sa aking buhay?
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na “sumulong” sa pag-aaral ng Ingles?
Dumulog sa Panginoon
Makakatulong sa atin ang pagdulog sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin para suriin ang ating pag-unlad at ituon ang ating mga pagsisikap. Habang nagsusumamo tayo ng Kaniyang patnubay, makakahanap tayo ng mga kalutasan sa ating mga suliranin, at mapangingibabawan ang mga pagsubok sa atin.

Nais ng Diyos na tulungan tayong matuto at lumago. Sa pamamagitan ng panalangin at pag-aaral ng banal na kasulatan, maaari tayong dumulog sa Panginoon. Papatnubayan Niya tayo. Sa pagdulog natin sa Diyos, matutulungan Niya tayong makamit ang ating mga mithiin sa pag-aaral.

Isaalang-alang ang sumusunod na tanong:
  • Paano ka makakadulog sa Diyos tungkol sa iyong mga pagsisikap bilang guro ng EnglishConnect?
  • Paano mo matutulungan ang mga mag-aaral na isabuhay ang prinsipyong ito?