Houston EnglishConnect Learners -Small.jpg
Tungkol sa EnglishConnect
Naglilingkod sa pandaigdigang audience, kami ay programa sa wikang Ingles na ibinibigay ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Layunin naming tulungan ang mga kalahok na palawakin ang mga pagkakataon sa pamamagitan ng pagbuo ng mga kasanayan sa Ingles sa isang kapaligiran kung saan may pananampalataya, pakikisama, at paglago.

Ang pagtaas ng kasanayan sa Ingles ay ang magbubukas ng mga pagkakataon para sa serbisyo, trabaho, at edukasyon. Sa pamamagitan ng EnglishConnect, maaari kang magkaroon ng lakas ng loob na makipag-usap sa pandaigdigang komunidad at magsalita ng Ingles sa lugar ng trabaho. Ang mga mag-aaral na nakatapos ng EnglishConnect 3 ay magiging mas handa na makakuha ng degree sa pamamagitan ng BYU-Pathway Worldwide.

Foster Faith Image

Pananampalataya

Sa EnglishConnect, humihingi tayo ng tulong at lakas sa Diyos nang may pananampalataya sa pag-aaral ng Ingles. Sa kabuuan ng ating kurikulum, isinasabuhay natin ang isang espirituwal na prinsipyo ng pagkatauto na tumutulong sa ating maunawaan ang ating tunay na potensyal at ang kakayahan ng Diyos na dagdagan ang ating kapasidad na matuto.
Build Friendships

Pakikipagkapwa

Sa grupo ng kuwentuhan sa EnglishConnect, pinalalakas natin ang pagkakaibigan at bumubuo ng ugnayan ng suporta na nagpapasigla at nagbibigay-inspirasyon sa atin. Bagama't galing tayo sa iba't ibang pinagmulan, sama-sama nating napapataas ang ating kumpiyansa, natututo sa ating mga pagkakamali, at nagdiriwang ng ating pag-unlad.
Homepage Growth

Paglago

Higit pa sa pag-aaral ng Ingles ang EnglishConnect; tungkol din ito sa pagpapataas ng kapasidad na matuto at magturo. Saanman tayo magsimula, nagsisikap kami at nakikipagtulungan sa Diyos upang makamit ang ating mithiin. Kumikilos tayo nang may pananampalataya para magpraktis ng Ingles araw-araw, pinatataas ang ating mga kasanayan, at upang magbukas ng mga pinto para sa mga kapana-panabik na posbilidad, tulad ng...
  • Mas magandang trabaho
  • Mga oportunidad sa mas mataas na edukasyon
  • Mga oportunidad sa serbisyo
  • Mga bagong pagkakaibigan
dc5a6e634e6911ed84a1eeeeac1e55ab74b3ce65.jpeg
Matuto sa pag-aaral at gayundin sa pananampalataya
Sa EnglishConnect, sinisikap naming matuto sa pag-aaral at gayundin sa pananampalataya. Sa EnglishConnect, pinag-aaralan at inilalapat namin ang anim na prinsipyo ng pag-aaral. Isinasalarawan ng mga prinsipyong ito kung ano ang aming pinaniniwalaan tungkol sa iyo at ang iyong kakayahang makasama ang Diyos upang makamit ang iyong mga layunin.

Anim na Prinsipyo ng Pagkatuto

1. Anak ka ng Diyos

Sa EnglishConnect, alam nating anak ng Diyos ang bawat kalahok na may walang hanggang potensyal. Kapag naunawaan natin ang ating tunay na potensyal, matutulungan tayo ng Diyos para magawa ang mga bagay na tila imposible — kabilang ang pag-aaral ng Ingles.

A couple in prayer

2. Manampalataya kay Jesucristo

Inaanyayahan namin ang bawat mag-aaral na alamin ang tungkol kay Jesucristo at manampalataya sa Kaniya. Sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan ni Jesucristo, makatatanggap tayo ng lakas at tulong para matuto at magbago.

3. Umako ng pananagutan

Bilang mga anak ng Diyos, may kapangyarihan tayong piliin ang kahihinatnan nating pagkatao. Bagama't matutulungan tayo ng iba, dapat nating piliing gawin ang gawaing kinakailangan upang makamit ang ating mga mithiin sa pag-aaral.

A group of women outside a Church building

4. Mahalin at turuan ang isa't isa

Isa sa mga pinakakahanga-hangang bahagi ng EnglishConnect ay ang karanasan ng sama-samang natututo sa ating mga grupo ng pag-uusap. Habang magkakasama tayong nagmamahal, nagtuturo, at natututo, inaanyayahan natin ang tulong ng Diyos, at lumalago ang ating kakayahan.

5. Sumulong

Ang pag-aaral ng wika ay nangangailangan ng oras, pagsisikap, at pagtitiyaga, ngunit hindi tayo nag-iisa. Matutulungan tayo ng Diyos na magkaroon ng lakas at tapang upang patuloy na magsumikap patungo sa ating mga mithiin.

6. Dumulog sa Panginoon

Makakatulong sa atin ang pagdulog sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin para suriin ang ating pag-unlad at ituon ang ating mga pagsisikap. Habang nagsusumamo tayo ng Kaniyang patnubay, makakahanap tayo ng mga kalutasan sa ating mga suliranin, at mapangingibabawan ang mga pagsubok sa atin.