An older and younger woman sit together at a computer
Welcome sa EnglishConnect Support
Narito kami para tumulong sa

EnglishConnect 1 at 2 EnglishConnect 3

EnglishConnect 1 at 2

  • text bubble icon
    Karaniwang mga Katanungan
    Makipag-chat sa aming bot sa anumang oras para makatanggap ng mabilis na sagot sa karaniwang mga katanungan.
       
    Simulan ang Chat
Pinaka-karaniwang mga Katanungan
Paano ko malalaman kung aling antas ang aking papasukan?
  • EnglishConnect 1: Nakakapagbasa at nakakapagsulat ka sa iyong sariling wika at nakakapagbasa ng mga panimulang salitang Ingles.
  • EnglishConnect 2: Nakakapagbasa ka ng mga panimulang pangungusap at nakakapagtanong at nakakasagot ng mga simpleng tanong sa Ingles.
  • EnglishConnect 3: Mayroon kang panimulang kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat, pakikinig, at pakikipag-usap sa Ingles at kaya mong makamit ang panggitna hanggang mababang score sa placement na pagtatasa noong nagrehistro.
Gaano katagal ang bawat antas?
EnglishConnect 1 at 2
Nagpupulong ang karamihan ng mga grupo nang isa o dalawang beses sa isang linggo, ngunit nakasulat ang mga aralin upang maaaring magkita ang mga grupo nang mas madalas kung nanaisin. Mayroong 25 aralin sa bawat antas at ang bawat aralin ay tumatagal ng 60–90 minuto. Ang grupo ng

EnglishConnect 3
ay nagkikita isang beses sa isang linggo. Mayroong 14 na aralin at ang bawat aralin ay tumatagal ng 90 minuto.
Anong mga materyales ang kailangan ko?
  • EnglishConnect 1 para sa Mag-aaral at EnglishConnect 2 para sa Mag-aaral: Gamitin ang mga manwal na ito para maghanda at lumahok sa iyong grupo ng pag-uusap. Maaari mong ma-access ang mga manwal ng mag-aaral sa Gospel Library app o ma-order ang mga ito sa store.ChurchofJesusChrist.org (mga numero ng item na 14701 at 14703).
  • EnglishConnect 1 Workbook at EnglishConnect 2 Workbook: May sariling workbook ang bawat isa sa mga grupo ng EnglishConnect 1 at 2. Gamitin nang mag-isa o kasama ang isang kapareha ang mga aktibidad sa mga workbook na ito bilang karagdagang pagpapraktis sa labas ng iyong grupo ng pag-uusap. Maaari mong ma-access ang mga workbook sa Gospel Library app o ma-order ang mga ito sa store.ChurchofJesusChrist.org (mga numero ng item na 18489 at 19563).
  • EnglishConnect.org: Kasama sa website ng EnglishConnect ang mga interactive na aktibidad sa pagpapraktis para sa bawat aralin.
  • Gospel Library App: Maaari kang magbasa o makinig ng mga pag-uusap, Aklat ng Mormon, at mga himno sa Ingles.
  • Iba pang Mga Aklat at App: Maraming resource upang matulungan kang matuto ng Ingles. Dapat mong “hanapin … mula sa pinakamagagandang aklat ang mga salita ng karunungan; hanapin ang pagkatuto, maging sa pag-aaral at gayundin sa pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118).
Paano ako makakasali sa EnglishConnect?
Nasa ibaba ang mga link para maghanap ng at makasali sa grupo:

EnglishConnect 3

  • text bubble icon
    Karaniwang mga Katanungan
    Makipag-chat sa aming bot sa anumang oras para makatanggap ng mabilis na sagot sa karaniwang mga katanungan.
       
    Simulan ang Chat
  • icon of a calendar
    Tulong sa Pagpapatala
    May mga katanungan ba bago ang pag-a-apply? Magsumite ng kahilingan at may direktang makikipag-ugnayan sa iyo na tagapayo ng pagpapatala.
       
    Magsumite ng Kahilingan
  • An icon representing tech support
    Sentro ng Tulong
    Kung nakapagpatala ka na, maaari mong bisitahin ang BYU Pathway Help Center para magsumite ng kahilingan sa suporta para sa karagdagang tulong.
       
    Mag-log In