Mga Karaniwang Tanong
Mga Mag-aaral
Mga Tagapagturo
Mga Lider
Mga Karaniwang Tanong ng Mag-aaral
-
Toggle ItemPaano ko malalaman kung aling klase ang dadaluhan?Paano ko malalaman kung aling klase ang dadaluhan?
- Gamitin ang impormasyon sa ibaba upang matukoy kung aling klase ang pinakaakma para sa iyo.
- Mga Entry Requirement para sa EnglishConnect 1: Marunong bumasa at sumulat sa iyong katutubong wika, nagbabasa ng mga simpleng Ingles na salita
- Mga Entry Requirement para sa EnglishConnect 2: Marunong bumasa at sumulat sa iyong katutubong wika, nagbabasa ng mga simpleng Ingles na salita, nagtatanong at sumasagot sa mga simpleng tanong
- Mga Entry Requirement para sa EnglishConnect 3: Nagtamo ng intermediate-low score sa placement assessment at registration; mga pangunahing kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat, pakikinig, at pakikipag-usap
- Gamitin ang impormasyon sa ibaba upang matukoy kung aling klase ang pinakaakma para sa iyo.
-
Toggle ItemPaano ako maghahanda para sa klase?Ang mga kurso ng EnglishConnect ay may kasamang plano para matulungan kang magpraktis ng Ingles sa loob ng mahigit 10 oras bawat linggo at subaybayan ang oras ng iyong pagpapraktis. Gamitin ang planong ito para maitala ang haba ng oras na ginugugol mo sa pagpapraktis at masubaybayan ang iyong progreso.
-
Toggle ItemPaano makatutulong sa buhay ko ang mga pangunahing kasanayan sa pakikipag-usap?
- Trabaho
- Pag-aaral
- Komunidad
- Paglilingkod
-
Toggle ItemPaano ako makasasali sa klase ng EnglishConnect?EnglishConnect 1 & 2: Kontakin ang lokal na miyembro o missionary mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
EnglishConnect 3: Maghanap ng lokasyon dito. -
Toggle ItemGaano katagal nagtitipon ang mga grupo?Ang mga grupo ng EnglishConnect 1 & 2 ay nagtitipon nang 25 linggo. Ang mga grupo ng EnglishConnect 3 ay nagtitipon nang 14 na linggo. Maaari kang umulit ng kurso.
-
Toggle ItemBakit nagtitipon ang mga grupo sa loob ng maraming linggo?Kailangan ng panahon at pagpapraktis para magkaroon ng mga gawi at kasanayan na may kaugnayan sa mga kursong ito. Sinusuportahan din ng mga miyembro ng grupo ang isa’t isa, at madalas na nakapagbubuo sila ng magandang ugnayan sa panahong magkakasama sila sa kurso.
-
Toggle ItemSaan ako makakakuha ng mga materyal ng kurso?Para sa EnglishConnect 1 & 2, maaari kang bumili ng isang manwal para sa iyong kurso sa store.churchofjesuschrist.org. Maaari ka ring makahanap ng mga electronic version dito, o sa Gospel Library mobile app.
-
Toggle ItemPaano kung hindi ako nakapunta sa klase?Una, ipaalam sa iyong tagapagturo na hindi ka makapupunta sa klase. Kasunod nito, rebyuhin ang materyal para sa linggong iyon at sikaping gawin ang homework. Magtanong sa kaklase ng napag-aralan, kahit hindi ka nakapunta sa klase.
-
Toggle ItemMaaari ba akong umulit ng kurso?Oo. Maaari mong ulitin ang anumang EnglishConnect course. May mga mag-aaral na gustong umulit ng kurso para makamit nila ang kanilang mga mithiin sa pag-aaral.
-
Toggle ItemHindi ko nakuha ang aking sertipiko. Ano ang gagawin ko?Kontakin ang iyong tagapagturo o ang specialist na naka-assign sa EnglishConnect.
Mga Karaniwang Itinatanong ng Tagapagturo
-
Toggle ItemSaan ko makikita ang mga listening practice video?Ang mga Listening Practice Video ay matatagpuan sa Mga Materyal sa Pagtuturo.
-
Toggle ItemAno ang EnglishConnect?Ang EnglishConnect ay bahagi ng mga produkto sa pag-aaral ng wikang Ingles na inilaan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Layunin ng EnglishConnect na tulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kasanayan sa Ingles sa isang kapaligirang naghihikayat ng pagkakaibigan at pananampalataya. Kapag nagkaroon ng kasanayan sa Ingles ang mga mag-aaral, nadaragdagan ang kanilang mga oportunidad sa trabaho, edukasyon, paglilingkod, at pakikipagkaibigan.
-
Toggle ItemMaaari ba naming laktawan, pagsamahin, o iklian ang mga aralin?Hindi ito hinihikayat. Ang haba at nilalaman ng bawat kurso ay ginawa para sa partikular na resulta at hinihikayat ang mga grupo na sundin ang nakasulat sa materyal. Gayunman, maaaring mag-iba ang pagkakaugnay ng mga nilalaman o maaaring may iba pang matitinding pangangailangan sa lugar. Sumangguni sa specialist bago gumawa ng mga pagbabago.
-
Toggle ItemDapat ba kaming mag-usap sa katutubong wika sa conversation class?Ang iyong tungkulin ay gawing komportable sa mga mag-aaral ang pagsasalita ng Ingles. Matutulungan mo nang lubos ang klase kapag inanyayahan mo silang magpokus sa pagsasalita ng English sa buong oras ng klase. Magagawa mo ito sa pagpapakita ng halimbawa. Dapat kang magsalita ng Ingles sa lahat ng oras. Gumamit ng simpleng salita at maiikling pangungusap. Magsalita nang dahan-dahan at ulitin nang madalas. Isulat sa pisara ang mahahalagang salita at parirala. Iwasan ang mahabang paliwanag at pagsasalin sa lahat ng sinasabi mo. Kung nangangailangan ng tulong ang mga mag-aaral, sabihin sa kanila na gamitin ang kanilang mga sanggunian at tulungan ang isa’t isa. Maging mapanghikayat. Anyayahan ang mga mag-aaral na lakasan ang kanilang loob at magsalita ng Ingles hangga’t kaya nila. Tulungan silang magtagumpay at purihin ang kanilang mga pagsisikap. Ang mga mag-aaral ay dapat magsalita sa 80% ng klase. Kapag pinagtuunan mo na tulungan ang mga mag-aaral na matuto sa pamamagitan ng paggawa, unti-unti mo nang hindi kakailanganing gumamit ng katutubong wika.
-
Toggle ItemAnong wika ang dapat naming gamitin para sa lesson tungkol sa ebanghelyo o sa My Foundation for Self-Reliance lesson?Gawin ang lahat ng makakaya mo na gumamit ng Ingles hangga’t maaari. Matutulungan mo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulat ng ilang mahahalagang salita at parirala sa pisara. Matutulungan mo rin ang mga mag-aaral na maging mas komportable sa pagsasabi sa kanila na pag-aralan sa bahay ang mga lesson sa Ingles at sa kanilang katutubong wika bago sila pumasok sa klase.
-
Toggle ItemAno ang mangyayari kung walang dalawang responsableng adult ang nasa klase kapag nagtuturo ng EC sa mga menor-de-edad?Kapag may mga menor-de-edad sa klase at walang dalawang responsableng adult na naroon, WALANG klase ang maaaring idaos. Gayundin, hindi maaaring magturo ang isang adult sa isang menor-de-edad na silang dalawa lang. Ang mga patakarang ito ay para sa proteksyon ng lahat.
-
Toggle ItemPaano ko maaaring i-follow-up ang progreso ng mga mag-aaral?Sa simula ng klase, anyayahan ang mga mag-aaral na pag-aralan ang kanilang My English Practice Plan kasama ang isang kaklase at magplano na suportahan ang isa’t isa sa mga darating na linggo. Habang nagkaklase, tukuyin ang mga mag-aaral na nangangailangan ng dagdag na suporta at tulungan silang makausap ang isang kaklase na makatutulong. Sa pagtatapos ng klase, anyayahan ang mga mag-aaral na kumilos nang may pananampalataya upang magawa ang kanilang mithiing magpraktis sa araw-araw.
Maaaring makatulong na gumawa ng shared group gamit ang What’s App, o iba pang karaniwang platform ng komunikasyon. Sa linggong ito, magbahagi ng mga mensahe at mga paanyaya sa grupo.- Kailangang kontakin ang mga magulang ng mga estudyanteng nasa menor-de-edad para sa anumang follow-up sa labas ng klase.
-
Toggle ItemPaano ko pamamahalaan ang aking oras sa klase para mapag-ukulan ko ng oras ang pinakamahahalagang aktibidad?Limitahan ang dami ng oras na ginugugol mo sa pagrerebyu ng talasalitaan at pagtalakay ng balarila. Ang malaking bahagi ng oras sa klase ay dapat iukol sa pagtulong sa mga mag-aaral na magpraktis na mag-usap sa maliliit a grupo o nang magkakapartner.
-
Toggle ItemDapat ba akong magturo ng balarila sa conversation class?Ang dapat mong pagtuunan ay tulungan ang mga mag-aaral na magpraktis na mag-usap sa English. Anumang paliwanag tungkol sa balarila ay dapat simple at maikli lamang. Maiiwasan mo ang mahabang paliwanag sa pagbibigay ng 4-5 na maiikling halimbawa at paghikayat sa mga mag-aaral na patuloy na magpraktis. Magagamit ng mga mag-aaral ang online na mga sanggunian sa labas ng klase para mahanap ang mga sagot. Tandaan, mas epektibong matututo sa pagpapraktis ng wika, sa halip na pagsasalita tungkol sa wika.
-
Toggle ItemDapat ko bang ituro ang talasalitaan sa conversation class?Sabihin sa mga mag-aaral na magsaulo ng mga salita sa talasalitaan bago magklase. Magagamit nila ang online na mga sanggunian para malaman ang kahulugan at pagbigkas. Sa simula ng klase, sabihin sa mga mag-aaral na magpapartner-partner sa pagrerebyu ng talasalitaan nang ilang minuto. Huwag gumugol ng oras sa pagpraktis ng pagsasaulo ng talasalitaan - mas matatandaan ng mga mag-aaral ang mga salita kapag ginagamit nila ang mga ito sa mga conversation activity.
-
Toggle ItemAno ang dapat gawin ng tagapagturo kung nahuli nang dating sa klase ang estudyante o kung gustong sumali ng estudyante noong nagsisimula na ang klase?Kung nahuli ng pagdating sa klase ang mag-aaral, anyayahan ang isang kaklase na tulungan siya na makasali sa dinatnang aktibidad.
- Kung sumali ang mag-aaral sa kurso pagkatapos ng unang klase, mag-ukol ng panahon bago o pagkatapos ng klase na malugod na tanggapin ang bagong mag-aaral. Anyayahan ang isang kaklase na tulungan siya na maunawaan ang kurso at maghanda para sa susunod na klase.
-
Toggle ItemPaano ko matutulungan ang mga mag-aaral na magpraktis pa sa buong linggo?Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga mungkahi at sanggunian na matatagpuan sa manwal ng mag-aaral sa ilalim ng “My English Practice Plan”. Mag-follow up bawat linggo.
Sabihin sa mga mag-aaral na gamitin ang mga online na mga sanggunian sa englishconnect.org/tl/mga-mag-aaral/mga-sanggunian.
Iba pang mga mungkahi:
Gamitin ang mga sanggunian ng Simbahan sa Gospel Library app para magpraktis sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat. -
Toggle ItemKailangan ko bang maging eksperto para makapagturo ng EnglishConnect?Hindi. Ang mga materyal ang magbibigay ng sapat na kaalaman. Ang tungkulin mo ay mahalin ang mga mag-aaral, at lumikha ng kapaligiran na naghihikayat ng pagkakaibigan at pananampalataya. Kailangan ng mga mag-aaral ang positibong pananaw, panghihikayat, at kasiglahan. Habang mapanalangin mong hinahangad na magabayan ng Espiritu at nagsisikap na unawain ang mga pangangailangan ng bawat mag-aaral, magagabayan ka na tulungan ang mga mag-aaral na makadama ng kumpiyansa at tagumpay. Ang mga sanggunian para sa pagsasanay ay makukuha sa Teacher Training page. Alamin pa.
-
Toggle ItemGaano katagal nagtitipon ang mga grupo ng EnglishConnect 1 & 2?Ang EnglishConnect 1 & 2 conversation class ay karaniwang nagtitipon nang isang beses sa isang linggo sa loob ng 25 linggo. Ang mga klaseng ito ay karaniwang tumatagal nang 90 minuto. Maaaring ipasiya ng mga mag-aaral na umulit ng kurso.
- Ang mga grupo ng EnglishConnect 3 ay karaniwang nagtitipon nang 14 na linggo. Ang mga klase ay kasalukuyang sumusunod sa iskedyul ng semestre ng BYU Pathway Worldwide at BYU‑daho. Ang lingguhang pagtitipon ay karaniwang tumatagal nang 90 minuto. Maaaring ipasiya ng mga mag-aaral na ulitin ang kurso nang maraming semestre.
-
Toggle ItemKailan nagtitipon ang mga grupo ng EnglishConnect 1 & 2?Ito ay pinagpapasiyahan sa local level batay sa availability ng tagapagturo at pag-iiskedyul sa pasilidad.
-
Toggle ItemPaano makapagsisimula ang isang grupo ng EnglishConnect 1 & 2?Ang mga grupo ay dapat laging nasa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na lider. Maaaring magsimula ang mga miyembro at missionary ng mga grupo sa EnglishConnect, sa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na lider. Ang mga miyembro ng grupo ay maaaring anyayahang makibahagi, o sumali sa kanilang sariling grupo. Madalas na binubuo ang grupo sa pamamagitan ng debosyonal, pero maaari rin silang bumuo nang walang debosyonal. Kahit dalawang tagapagturo lang na nasa hustong gulang ang dapat na nakatalaga sa bawat grupo.
-
Toggle ItemMabibigyan ba ako ng anumang pagsasanay?Ilang linggo bago ang unang pagtitipon ng grupo, kokontakin ka ng mga specialist o lider na nakatalaga sa EnglishConnect at aanyayahan ka na dumalo ng pagsasanay para sa mga tagapagturo. Tutulungan ka nitong maunawaan kung ano ang ginagampanan ng tagapagturo, paano magturo, at iba pang mga responsibilidad na mayroon ka. Kung gusto mong magbasa nang mas maaga, maaari mong mahanap ang teacher training resources dito.
-
Toggle ItemSaan dapat magtipon ang grupo ko, at paano ako makakukuha ng access sa isang gusali ng Simbahan?Ang mga EnglishConnect conversation group ay karaniwang nagtitipon sa mga gusali ng Simbahan. Makipagtulungan sa inyong specialist o lokal na lider para makakuha ng access sa gusali.
-
Toggle ItemSaan ko makikita ang mga sanggunian para sa mga pagtitipon ng grupo ko?Maaari mong mahanap ang mga electronic version ng aklat at mga link sa lahat ng mga video dito. Magandang ideya na i-download ang mga video para sa iyong conversation group nang mas maaga dahil hindi laging maaasahan ang wireless networking. Makipagtulungan sa inyong specialist para magkaroon ng sapat na kopya ng manwal para sa mga miyembro ng grupo mo.
-
Toggle ItemAno ang dapat kong gawin kung hindi ako makapupunta sa klase?Sabihin sa iyong assistant/kapwa tagapagturo na turuan ang klase habang wala ka. Mag-anyaya ng isa pang adult na miyembro ng grupo para matulungan ang assistant teacher.
-
Toggle ItemPaano kung walang pasok o may problema sa iskedyul at maraming miyembro ng grupo ang hindi makakapunta sa klase?Baka kailanganin mong ipagpaliban ang klase. Ipaalam sa inyong specialist. Sa ganitong mga sitwasyon, may mga grupo na tumatagal nang mahigit sa 25 linggo bago matapos ang kanilang kurso.
-
Toggle ItemPaano kung may isang taong hindi na dumadalo o ayaw nang ipagpatuloy ito?Nangyayari ito kung minsan. Makipagtulungan sa grupo mo para maanyayahan ang taong ito sa susunod na pagtitipon. Tulungan ang mga kaklase ng taong iyon na magbigay ng suporta at lakas ng loob. Sikaping unawain kung ano ang maaaring nagaganap sa buhay ng taong ito na maaaring dahilan kaya nahihirapan siyang makibahagi.
-
Toggle ItemAno ang gagawin ko sa isang miyembro ng grupo na palaging nagsasalita at maaaring nagdodomina sa mga aktibidad?Ang pagbabahagi ay natural lamang sa mga self-reliance group, pero kung minsan baka lumalabis na sa pagsasalita ang isang tao kaya atubili nang magsalita ang iba. Maaaring makatulong na kausapin siya nang sarilinan, pagkatapos ng klase ng grupo. Ipaliwanag ang naoobserbahan mo at kung paanong sa palagay mo ay naaapektuhan nito ang grupo. Sabihin sa tao na magsabi ng anumang problema, at tingnan kung magkakasundo kayo sa solusyon na makatutulong para makabahagi ang lahat ng miyembro ng klase.
-
Toggle ItemPaano ako gagawa ng report kapag natapos na ang aking grupo at kukuha ng sertipiko ng pagtatapos?Bago ang huling klase, makipagtulungan sa inyong specialist para mai-print ang mga sertipiko ng partisipasyon, mapunan ang mga ito at mapalagdaan. Sa huling klase ng grupo, ipamahagi ang mga sertipiko.
Pagkatapos ng huling klase, kukumpletuhin ng tagapagturo o specialist ang End of Group report sa srs.churchofjesuschrist.org/report. -
Toggle ItemPaano ako dapat makipagtulungan sa mga miyembro ng grupo na mula sa iba’t ibang relihiyon?Lahat ay malugod na tinatanggap sa mga EnglishConnect conversation class. Makipagtulungan sa lahat ng miyembro ng grupo para maipadama sa kanila ang malugod na pagtanggap. Maging sensitibo sa mga pananaw at pagkaunawa ng mga tao mula sa iba’t ibang relihiyon. Maaaring makatutulong na ipaliwanag ang ilang banal na kasulatan at siping-banggit na partikular sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Maaaring kailanganin ding iangkop ang ilan sa mga pangako na nakabatay sa pananampalataya.
Mga Karaniwang Itinatanong ng mga Lider
-
Toggle ItemAno ang EnglishConnect?Ang EnglishConnect ay bahagi ng mga produkto sa pag-aaral ng wikang Ingles na inilaan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Layunin ng EnglishConnect na tulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kasanayan sa Ingles sa isang kapaligirang naghihikayat ng pagkakaibigan at pananampalataya. Kapag nagkaroon ng kasanayan sa Ingles ang mga mag-aaral, nadaragdagan ang kanilang mga oportunidad sa trabaho, edukasyon, paglilingkod, at pakikipagkaibigan.
-
Toggle ItemAno ang sinasabi ng mga mag-aaral tungkol sa kursong ito?Narito ang kinalabasan ng survey sa mga mag-aaral ng EnglishConnect 1 & 2 noong 2018-2019:
- 95% ang nasiyahan, 80% ang malamang na magsign-up para sa isa pang EnglishConnect class.
- 90% ang nagreport na nakatutulong o napakalaking tulong ng EnglishConnect sa paghahanda para sa iba pang mga oportunidad sa edukasyon
- 98% ang nagreport na pantay o mas epektibo ang EnglishConnect kaysa sa iba pang mga sanggunian sa Ingles
- 88% ang nagreport na napakahusay ng tagapagturo; 91% ang nagreport na sapat ang Ingles ng tagapagturo
- Kabilang sa mga pangunahing benepisyo ng EnglishConnect ang murang halaga ng mga sanggunian, kalidad ng mga materyal, at karanasan na nakasentro sa espirituwal
-
Toggle ItemPaano nakatutulong sa indibidwal ang pagkatuto ng Ingles?Ang pagkatuto ng Ingles ay nagbibigay ng karagdagang mga oportunidad para sa isang tao sa trabaho, edukasyon, at paglilingkod. Sa mga bansa kung saan hindi Ingles ang katutubong wika, ang mga katutubo na nagsasalita ng Ingles ay sumasahod na mas mataas nang 30-50%. (https://www.weforum.org/agenda/2017/03/the-link-between-english-and-economics; https://hbr.org/2013/11/countries-with-better-english-have-better-economies).
Sa mga bansa na nagsasalita ng Ingles, ang mga imigrante at mga refugee ay mas nakahahanap ng trabaho, nagkakaroon ng access sa healthcare, nabibigyan ng mga oportunidad sa edukasyon, at nakahahalubilo sa komunidad (https://www.census.gov/hhes/socdemo/language/data/acs/PAA_2005_AbilityandEarnings.pdf). -
Toggle ItemPaano ko mapangangasiwaan ang mga kursong EnglishConnect 1 & 2?Mahalaga ang gagampanan mo sa pagtatatag ng vision o mithiin ng EnglishConnect sa inyong lugar. Mangyaring basahin at sundin ang mga tagubilin sa mga gabay sa pagpapatupad. Alamin pa.
-
Toggle ItemSino ang dapat kong tawagin bilang mga tagapagturo?Ang mga tagapagturo sa EnglishConnect ay mga taong may intermediate-level na kahusayan sa pagsasalita ng Ingles. Ang mga tagapagturo sa EnglishConnect ay mapagmahal sa mga mag-aaral at maganda ang pananaw, masigla, at maaasahan. Mangyaring sumangguni sa gabay sa pagpapatupad para sa karagdagang impormasyon. Alamin pa.
-
Toggle ItemSino ang nagbibigay ng pagsasanay sa mga tagapagturo?Ang mga specialist ang nagbibigay ng pang-unang vision o mithiin at pagsasanay sa pangangasiwa para sa mga tagapagturo. Sinusuportahan ng mga specialist ang mga tagapagturo sa pagrerebyu ng teacher training resources. Maaaring naisin ng mga tagapagturo na magtipun-tipon paminsan-minsan sa mga teacher council meeting para magkakasamang matuto at magsusuportahan. Alamin pa.
-
Toggle ItemAnong mga materyal ang kailangan namin?Bawat kurso ay may manwal ng tagapagturo at manwal ng mag-aaral. Ang mga manwal ay maaaring i-download o bilhin sa Church Distribution. Mangyaring sumangguni sa mga gabay sa pagpapatupad at sa course resources page. Alamin pa.
-
Toggle ItemPaano namin makukuha ang mga materyal?Ang mga manwal ay maaaring i-download mula sa website o i-order sa Church Distribution. Alamin pa.
-
Toggle ItemSino ang magbabayad ng halaga?Pagpapasiyahan ng mga unit at mission sa lugar kung sila ang magbabayad ng halaga ng mga materyal na naka-print o kung ang mga mag-aaral ang magbabayad ng sarili nilang mga manwal. Makakaorder ang mga mag-aaral ng mga manwal nang direkta sa Church Distribution. Alamin pa.
-
Toggle ItemPaano namin pipiliin ang mga kursong ibibigay?Mangyaring sumangguni sa gabay sa pagpapatupad para sa impormasyon. Alamin pa.
-
Toggle ItemPaaano namin tutulungang umunlad ang mga mag-aaral? Sa kursong pinag-aaralan, at sa iba pang mga kurso?Ang pag-aaral ng wika ay hindi madali. Ito ay nangangailangan ng patuloy na pagsisikap, pagtitiyaga, at pananampalataya. Makatutulong ka kung magpapakita ka ng pananampalataya, manghihikayat, at susubaybay upang matiyak ang tagumpay. Mangyaring sumangguni sa gabay sa pagpapatupad para sa impormasyon.
-
Toggle ItemSaan nanggaling ang inisyatibong EnglishConnect?Ang EnglishConnect ay inisyatibong itinataguyod ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Nagsimula ito bilang bahagi ng pandaigdigang inisyatibo sa edukasyon at nagpapatuloy bilang bahagi ng tulung-tulong na pagsisikap ng Church Educational System, Welfare at Self-Reliance Services, at ng Missionary Department. Nagsimula ang mga EnglishConnect class sa labas ng North America at ginaganap na ngayon sa iba’t ibang dako ng mundo. Libu-libong tao ang sumali sa mga EnglishConnect class at nakikinabang sa natatanging pagkakataong matuto ng Ingles habang nakadarama ng pakikipagkaibigan at pananampalataya.
-
Toggle ItemPaano nakatutulong ang EnglishConnect sa mga tao?Maraming tao sa buong mundo ang nakararanas ng mga balakid sa pag-aaral ng Ingles tulad ng gastos, distansya, panahon, kawalan ng tiwala sa sarili, at access. Ang EnglishConnect ay nagbibigay ng solusyon sa mga balakid tulad ng tulad ng gastos, distansya, panahon, kawalan ng tiwala sa sarili, at access. Ang EnglishConnect ay nagbibigay ng pambihirang pagkakataon sa mga mag-aaral na magkaroon ng kasanayan sa Ingles sa isang kapaligiran na nakasentro sa ebanghelyo. Ang mga mag-aaral na natuto sa resulta ng kanilang kurso ay palalawakin ang kanilang mga oportunidad sa trabaho, paglilingkod, at edukasyon – lalo na sa pamamagitan ng BYU Pathway Worldwide.
-
Toggle ItemPaano nagsisimula ang mga klase ng EnglishConnect?
- Ang mga EnglishConnect 1 & 2 conversation class ay itinuturo ng mga miyembro at missionary ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, sa ilalim ng pamamahala ng mga lokal na lider ng Simbahan. Karaniwan, ang mga lokal na lider ng Simbahan at mga mission president ay nagtutulungan upang matukoy ang mga pangangailangan at mag-organisa ng mga klase. Maaaring italaga ng mga lokal na lider ng Simbahan ang pangangasiwa ng mga EnglishConnect 1 & 2 class sa self-reliance committee o naka-assign na specialist.
- Ang mga EnglishConnect 3 class ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng BYU Pathway Worldwide sa pakikipagkoordina sa Area Welfare and Self-Reliance Manager at mga lokal na lider. Alamin pa.
-
Toggle ItemSino ang nagtuturo sa mga EnglishConnect class?
- Ang mga EnglishConnect 1 & 2 class ay itinuturo ng mga lokal na miyembro at mga missionary ng Simbahan. Karaniwan, ang mga lokal na lider ng Simbahan at mga mission president ay nagtutulungan upang matukoy ang mga pangangailangan at mag-organisa ng mga klase. Sa mga lugar kung saan ang mga stake o ward ay naglalaan ng mga EnglishConnect 1 & 2 class, ang mga missionary na nagsasalita ng Ingles ay maaaring maglingkod bilang mga assistant instructor. Sa mga lugar kung saan hindi naglalaan ng mga EnglishConnect class ang mga stake o ward, maaaring mag-assign ang mga mission president ng isang mission English specialist na mangangasiwa ng pagpapatupad ng EnglishConnect at ang mga magtuturo ay mga missionary na nagsasalita ng English.
- Ang mga EnglishConnect 3 class ay idinaraos sa tulong ng mga miyembro o mga missionary. Alamin pa.
- Ang mga EnglishConnect 1 & 2 class ay itinuturo ng mga lokal na miyembro at mga missionary ng Simbahan. Karaniwan, ang mga lokal na lider ng Simbahan at mga mission president ay nagtutulungan upang matukoy ang mga pangangailangan at mag-organisa ng mga klase. Sa mga lugar kung saan ang mga stake o ward ay naglalaan ng mga EnglishConnect 1 & 2 class, ang mga missionary na nagsasalita ng Ingles ay maaaring maglingkod bilang mga assistant instructor. Sa mga lugar kung saan hindi naglalaan ng mga EnglishConnect class ang mga stake o ward, maaaring mag-assign ang mga mission president ng isang mission English specialist na mangangasiwa ng pagpapatupad ng EnglishConnect at ang mga magtuturo ay mga missionary na nagsasalita ng English.
-
Toggle ItemGaano katagal nagtitipon ang mga grupo?
- Ang EnglishConnect 1 & 2 conversation class ay karaniwang nagtitipon nang isang beses sa isang linggo sa loob ng 25 linggo. Ang mga klaseng ito ay karaniwang tumatagal nang 90 minuto. Maaaring ipasiya ng mga mag-aaral na umulit ng kurso.
- Ang mga grupo ng EnglishConnect 3 ay karaniwang nagtitipon nang 14 na linggo. Ang mga klase ay kasalukuyang sumusunod sa iskedyul ng semestre ng BYU Pathway Worldwide at BYU‑daho. Ang lingguhang pagtitipon ay karaniwang tumatagal nang 90 minuto. Maaaring ipasiya ng mga mag-aaral na ulitin ang kurso nang maraming semestre.
-
Toggle ItemMaaari bang magtamo ng credit sa kolehiyo ang mga mag-aaral ng EnglishConnect?Sa kasalukuyan, ang mga EnglishConnect course ay hindi maaaring i-credit. Gayunman, ang kurikulum ng EnglishConnect 3 ay nilayon upang ihanda ang mga mag-aaral na makapasok sa PathwayConnect, ang mga unang kurso na inaalok ng BYU-Pathway Worldwide.
-
Toggle ItemSino ang dapat sumali?
- EnglishConnect 1 & 2: Ang mga participant ay dapat nasa edad na 11 taong gulang pataas, at lahat ng menor-de-edad ay dapat magsumite ng form ng pahintulot ng magulang. Karaniwan, ang mga lokal na lider ng Simbahan at mga mission president ay nagtutulungan upang matukoy ang mga pangangailangan at mag-organisa ng mga klase. Nagiging lubos na epektibo ang mga EnglishConnect class kapag nagtutulungan ang mga lider, miyembro, at missionary para suportahan ang mga klase at mag-anyaya ng mga kaibigan at kapamilya na dumalo.
- EnglishConnect 3: Ang mga participant ay dapat nasa edad na 11 taong gulang pataas, at lahat ng menor-de-edad ay dapat magsumite ng form ng pahintulot ng magulang. Maaaring direkta nang mag-register ang mga mag-aaral. Alamin pa.
- EnglishConnect 1 & 2: Ang mga participant ay dapat nasa edad na 11 taong gulang pataas, at lahat ng menor-de-edad ay dapat magsumite ng form ng pahintulot ng magulang. Karaniwan, ang mga lokal na lider ng Simbahan at mga mission president ay nagtutulungan upang matukoy ang mga pangangailangan at mag-organisa ng mga klase. Nagiging lubos na epektibo ang mga EnglishConnect class kapag nagtutulungan ang mga lider, miyembro, at missionary para suportahan ang mga klase at mag-anyaya ng mga kaibigan at kapamilya na dumalo.
-
Toggle ItemMaaari bang sumali ang mga tao na kabilang sa ibang relihiyon?EnglishConnect 1 & 2: Oo, siyempre. Maging sensitibo sa mga pananaw at pagkaunawa ng mga tao mula sa iba’t ibang relihiyon. Maaaring makatutulong na ipaliwanag ang ilang banal na kasulatan at siping-banggit na partikular sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Maaaring kailanganin ding iangkop ang ilan sa mga pangako na nakabatay sa pananampalataya.
-
Toggle ItemAno ang mga kwalipikasyon ng isang tagapagturo ng EnglishConnect 1 & 2?Ang mga tagapagturo sa EnglishConnect ay mapagmahal sa mga mag-aaral at maganda ang pananaw, masigla, at maaasahan. Ang mga tagapagturo ng EnglishConnect ay nakatuon sa pagtulong sa mga mag-aaral na makihalubilo at magkaroon ng tiwala sa sarili. Ang mga materyal ang nagbibigay ng sapat na kaalaman, at ang tungkulin ng tagapagturo ay sundin ang Espiritu at maghikayat ng pakikipagkaibigan at pananampalataya. May makukuhang mga sanggunian sa pagsasanay. Alamin pa.
-
Toggle ItemPaano kami makapagre-register ng grupo ng EnglishConnect 1 & 2?Ang mga datos tungkol sa pag-enroll at partisipasyon ay maaaring masubaybayan sa online Self-Reliance Services group registration tool. Dapat i-register at i-track ng self-reliance specialist o tagapagturo ang grupo sa srs.churchofjesuschrist.org/register.
-
Toggle ItemPaano kami makaka-access ng mga materyal para sa kurso EnglishConnect?Ang mga materyal sa EnglishConnect 1 & 2 ay maaaring i-download o ma-order sa Church Distribution. Alamin pa.
-
Toggle ItemNagbibigay ba ang mga EnglishConnect course ng mga sertipiko?
EnglishConnect 1 & 2: Sa pagtatapos ng kurso, maaaring bigyan ng mga lider ng sertipiko ng partisipasyon ang bawat mag-aaral na palaging dumadalo sa mga klase. Ang mga specialist o tagapagturo ang mamamahagi ng mga sertipiko.
Paalala: Ito ay pagkilala lamang sa partisipasyon. Ang mga EnglishConnect 1 & 2 class ay hindi mga sertipikadong kurso at hindi nagkakaloob ng mga credit ng unibersidad.(thumbnail and PDF)
EnglishConnect 3: Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay makakakuha ng sertipiko ng pagtatapos batay sa kanilang mga nagawa sa kurso. -
Toggle ItemDapat bang matanggap ng tagapagturo sa EnglishConnect 1 & 2 ang gawaing ito bilang calling o assignment?Ang mga tagapagturo sa EnglishConnect 1 & 2 ay maaaring tawagin o i-assign. Ito ay dapat pagpasiyahan ng mga lokal na pamunuan.
-
Toggle ItemPaano dapat tawagin o i-assign ang mga tagapagturo sa EnglishConnect 1 & 2?Ang mga tagapagturo sa EnglishConnect 1 & 2 ay karaniwang tinatawag o ina-assign ng lokal na pamunuan. Kapag nagbibigay ng calling o assignment, makatutulong kung magbabahagi ng ilang impormasyon ang mga lider tungkol sa calling. Ang webpage na ito ay naglalaman ng impormasyon na makatutulong tungkol sa pagiging tagapagturo.
-
Toggle ItemPaano kami makapagre-register ng grupo sa EnglishConnect 1 & 2?Sa simula ng isang EnglishConnect 1 & 2 class, kukumpletuhin ng tagapagturo ang Group Registration Report sa srs.churchofjesuschrist.org/register.
For all EnglishConnect programs, the following terms apply instead of the BYU Privacy Notice at the bottom of the page:
EnglishConnect Terms of Participation | Terms of Use | Privacy Notice