Ang EnglishConnect ay may tatlong antas na makakatulong sa iyong umunlad mula sa basic hanggang sa advanced na antas ng English. Hindi dapat bababa sa 11 taong gulang ang mga mag-aaral, at mayroong pahintulot ng kanilang magulang/tagapagbantay kung wala pang 18 taong gulang.
- Piliin ang iyong antas.
- Magparehistro sa loob ng ilang minuto.
- Matuto ng Ingles nang may kumpiyansa!
- Antas 1
- Antas 2
- Antas 3
- Magbasa at magsulat sa iyong katutubong wika
- Basahin ang alpabeto ng Ingles
- Unawain ang ilang pangunahing salita o pariralang Ingles
- Makabuo ng mga basic na pangungusap sa Ingles
- Magtanong ng mga basic na tanong at magbigay ng mga basic na sagot
Magsimula sa antas na ito kung kaya mong...
- Magbasa at magsulat ng mga basic na pangungusap sa Ingles
- Makipag-usap gamit ang basic na Ingles tungkol sa mga karaniwang pang-araw-araw na paksa
- Kung mayroon ka nang Church Account, mag-sign in gamit ang iyong username at password.
- Kung hindi ka pa nakagawa ng Church Account, piliin ang "Magrehistro para sa isang Church Account."
Kung ano ang sinasabi ng iba tungkol sa EnglishConnect

–

–
- EnglishConnect 1: Nakakapagbasa at nakakapagsulat ka sa iyong sariling wika at nakakapagbasa ng mga panimulang salitang Ingles.
- EnglishConnect 2: Nakakapagbasa ka ng mga panimulang pangungusap at nakakapagtanong at nakakasagot ng mga simpleng tanong sa Ingles.
- EnglishConnect 3: Mayroon kang panimulang kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat, pakikinig, at pakikipag-usap sa Ingles at kaya mong makamit ang panggitna hanggang mababang score sa placement na pagtatasa noong nagrehistro.
Maaari mo ring gamitin ang workbook at website ng EnglishConnect para magpraktis ng Ingles araw-araw. Makakatulong sa iyo ang tuluy-tuloy na paggamit ng mga resource na ito para mabilis na matuto ng Ingles.
- Edukasyon: I-access ang mga oportunidad sa edukasyon tulad ng BYU-Pathway Worldwide.
- Trabaho: Maging kwalipikado para sa mas magagandang trabaho.
- Serbisyo: Palawakin ang magagawa mo para sa iba. Halimbawa, maaari kang magsilbi bilang guro ng EnglishConnect 1 o 2 upang matulungan ang iba na matuto ng Ingles.
Nagpupulong ang karamihan ng mga grupo nang isa o dalawang beses sa isang linggo, ngunit nakasulat ang mga aralin upang maaaring magkita ang mga grupo nang mas madalas kung nanaisin. Mayroong 25 aralin sa bawat antas at ang bawat aralin ay tumatagal ng 60–90 minuto. Ang grupo ng
EnglishConnect 3
ay nagkikita isang beses sa isang linggo. Mayroong 14 na aralin at ang bawat aralin ay tumatagal ng 90 minuto.
- EnglishConnect 1 para sa Mag-aaral at EnglishConnect 2 para sa Mag-aaral: Gamitin ang mga manwal na ito para maghanda at lumahok sa iyong grupo ng pag-uusap. Maaari mong ma-access ang mga manwal ng mag-aaral sa Gospel Library app o ma-order ang mga ito sa store.ChurchofJesusChrist.org (mga numero ng item na 14701 at 14703).
- EnglishConnect 1 Workbook at EnglishConnect 2 Workbook: May sariling workbook ang bawat isa sa mga grupo ng EnglishConnect 1 at 2. Gamitin nang mag-isa o kasama ang isang kapareha ang mga aktibidad sa mga workbook na ito bilang karagdagang pagpapraktis sa labas ng iyong grupo ng pag-uusap. Maaari mong ma-access ang mga workbook sa Gospel Library app o ma-order ang mga ito sa store.ChurchofJesusChrist.org (mga numero ng item na 18489 at 19563).
- EnglishConnect.org: Kasama sa website ng EnglishConnect ang mga interactive na aktibidad sa pagpapraktis para sa bawat aralin.
- Gospel Library App: Maaari kang magbasa o makinig ng mga pag-uusap, Aklat ng Mormon, at mga himno sa Ingles.
- Iba pang Mga Aklat at App: Maraming resource upang matulungan kang matuto ng Ingles. Dapat mong “hanapin … mula sa pinakamagagandang aklat ang mga salita ng karunungan; hanapin ang pagkatuto, maging sa pag-aaral at gayundin sa pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118).