Skip to main content

Pagsasanay para sa mga Tagapagturo

Salamat sa iyong kahandaang maglingkod sa mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagtuturo ng Ingles. Umaasa kami na madarama mo ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ang katiyakan na pinagpapala ng iyong mga pagsisikap ang buhay ng mga mag-aaral sa ngayon at sa hinaharap.

Upang magtagumpay, kakailanganin mong maunawaan ang layunin ng EnglishConnect at ang iyong tungkulin sa pagkamit ng layuning iyan.

Ano ang Layunin ng EnglishConnect?

Ang EnglishConnect 1 at 2 ay hindi tipikal na klase sa Ingles na itinuturo sa paaralan. Layunin ng EnglishConnect na tulungan ang mga mag-aaral na:

  • Mas mapalakas ang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo
  • Maging mahuhusay na mag-aaral
  • Magkaroon ng kasanayan sa Ingles sa isang lugar na nakasentro sa ebanghelyo

Ang mga EnglishConnect course ay nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na humusay sa Ingles sa isang kapaligiran na naghihikayat ng pagkakaibigan at pananampalataya.

Habang nagtuturo ka, ipagdasal na patnubayan ka ng Espiritu Santo upang maunawaan mo ang mga pangangailangan ng iyong mga tinuturuan at kung paano sila tutulungang magtagumpay. Kapag espirituwal na inihahanda mo ang iyong sarili at sinisikap na gawin ang lahat ng makakaya mo, daragdagan ng Ama sa Langit ang kakayahan mo na isakatuparan ang layuning ito.

Ano ang Aking Responsibilidad?

Ang iyong pinakamahalagang tungkulin ay lumikha ng kapaligiran kung saan madarama ng mga mag-aaral ang Espiritu, madarama na kabilang sila, at magkaroon ng tiwala na tutulungan sila ng Ama sa Langit na matuto ng Ingles.

Alalahanin, ang Espiritu Santo ang tunay na tagapagturo. Ang tungkulin mo ay lumikha ng kapaligiran kung saan makapagtuturo ang Espiritu. Matutulungan mo ang mga mag-aaral na makadama ng pagmamahal at suporta at malaman kung paano hihingi ng tulong sa Ama sa Langit para matuto ng Ingles.

Hindi mo kailangang maging eksperto sa pagtuturo ng Ingles. Lahat ng kailangan mo ay nasa mga materyal ng kurso. Kapag mapanalangin mong hinangad na magampanan ang responsibilidad na ito at magkaroon ng kasanayan, tutulungan ka ng Ama sa Langit (tingnan sa Eter 12:27).

Habang naghahanda kang magturo ng EnglishConnect, pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano ako espirituwal na maghahanda?
  • Paano ko maaanyayahan ang Espiritu sa bawat sesyon ng klase?
  • Paano ko matutulungan ang bawat isa na madamang malugod silang tinatanggap at magtiwala sa kanilang sarili?

Paano Ako Magiging Matagumpay?

Marami kang bagay na magagawa para matulungan ang mga mag-aaral na matuto ng Ingles at maghikayat ng pananampalataya. Hangarin nang may panalangin ang patnubay ng Espiritu habang iniisip mo ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at nagsisikap na humusay.

Tulungan ang mga Mag-aaral na Gamitin ang mga Alituntunin ng Pag-aaral
Magiging lubos ang tagumpay mo kapag hinangad mong patnubayan ka ng Espiritu para tulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang mga alituntunin na nakalista sa ibaba. Pag-aralan nang may panalangin ang bawat alituntunin. Planuhin kung paano mo matutulungan ang mga mag-aaral na magamit ang mga alituntuning ito habang nagtutulungan sila na matuto ng Ingles.

  • Manampalataya kay Jesucristo
  • Maging Responsable sa Sarili Nilang Pag-aaral
  • Turuan ang Isa’t Isa
  • Matututo sa pamamagitan ng Paggawa

Hangaring Magpakahusay
Kapag mapanalangin mong pinagsisikapan na magampanan ang tungkuling ito, tutulungan ka ng Espiritu na malaman kung paano mas humusay. Pag-aralan ang mga alituntunin sa “Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas,” at ang mga alituntunin ng pag-aaral na nakalista sa ibaba. Pagkatapos ng bawat aralin, mag-ukol ng oras na suriin ang iyong progreso gamit ang mga alituntuning ito at ang “Self-Reflection Chart” sa EnglishConnect Instructor Manual. Alamin ang mga nagagawa mo nang mahusay. Tukuyin ang mga aspeto na gusto mo pang paghusayin at gumawa ng mga partikular na plano para magamit ang mga natututuhan mo.

Bilang tagapagturo ng EnglishConnect, mayroon kang espesyal na responsibilidad na lumikha ng kapaligiran kung saan ang mga nag-aaral ay maaaring “maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (D at T 88:118). Matutulungan mo ang mga mag-aaral na kumilos nang may pananampalataya upang maranasan ang pangako ng Tagapagligtas na “ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios” (Marcos 10:27). Patuloy na mapagpapala ng karanasang ito ang kanilang buhay kahit pagkatapos ng EnglishConnect. Magtiwala na tutulungan ka ng Ama sa Langit kapag hinangad mo ang Espiritu at ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo. Manalig na papatnubayan ka ng Espiritu at ibibigay ang direksyon na kailangan mo, maging “sa mga oras na yaon” (D at T 100:6). Kapag hinangad mo ang Espiritu at minahal ang mga tinuturuan mo, makalilikha ka ng kapaligiran kung saan madarama ng mga mag-aaral ang Espiritu, na malugod silang tinatanggap, at magkakaroon ng tiwala na tutulungan sila ng Ama sa Langit na matuto ng Ingles.

Mga Alituntunin ng Pag-aaral
Manampalataya kay Jesucristo
Maging Responsable
Turuan ang Isa’t Isa
Matututo sa Pamamagitan ng Paggawa
Magsalita ng Ingles

Manampalataya kay Jesucristo

overrideTextColor= overrideCardAlternateTextColor= overrideDisableBackgroundImage= overrideTextAlignment= overrideCardHideSection= overrideCardHideByline= overrideCardHideDescription= overrideCardShowButton= overridebuttonBgColor= overrideButtonText=

Layunin ng EnglishConnect na tulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kasanayan sa Ingles sa kapaligirang naghihikayat ng pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Makatutulong ka sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga mag-aaral na manalangin para sa kaloob na mga wika at kumilos nang may pananampalataya upang makamit ang kanilang mga mithiin. Sabihin sa kanila na naniniwala kang matutulungan sila ng Ama sa Langit. Magpahayag ng panghihikayat. Mag-ukol ng oras sa bawat klase na bigyan ang mga mag-aaral ng mga oportunidad na turuan ang isa’t isa at magpahayag ng pananampalataya. Anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pagtanggap ng nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ni Jesucristo para mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay at makamit ang kanilang mga mithiin.
Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na manalig kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ingles?
  • Paano ko matutulungan lalo na ang mga yaong hindi miyembro ng Simbahan o hindi pamilyar sa mga turo ni Jesucristo?
Pathway - Manqueo family

Maging Responsable

overrideTextColor= overrideCardAlternateTextColor= overrideDisableBackgroundImage= overrideTextAlignment= overrideCardHideSection= overrideCardHideByline= overrideCardHideDescription= overrideCardShowButton= overridebuttonBgColor= overrideButtonText=

Para umunlad, kailangang maging responsable ang mga mag-aaral sa sarili nilang pag-aaral. Ang partispasyon sa mga lingguhang klase ay mahalagang bahagi ng pagkatuto. Gayunman, ang tanging paraan upang matuto ng wika ay gamitin ito araw-araw. Ang mga mag-aaral na nag-aaral at nagpapraktis ng Ingles nang 8–10 oras sa isang linggo ay mas mabilis matuto. Makatutulong ka sa pag-anyaya sa mga mag-aaral na magtakda ng mga mithiing magpraktis araw-araw at kumilos nang may pananampalataya upang makamit ang kanilang mga mithiin. Hikayatin ang mga mag-aaral na magkaroon ng tatlong gawi sa pag-aaral ng English:

  • Manalangin para sa kaloob na mga wika
  • Basahin ang Aklat ni Mormon
  • Kumilos nang may pananampalataya upang makamit ang kanilang mga mithiin

Sabihin sa mga mag-aaral na subaybayan ang kanilang progreso sa “My Practice Plan” sa harapan ng kanilang manwal. Puwede kang mag-follow up sa simula ng klase sa pagsasabi sa kanila na iulat ang progreso nila sa isang kaklase. Sabihin sa mga mag-aaral na magbahagi ng mga ideya kung paano magagawang bahagi ang Ingles sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Tandaan, matututo nang lubusan ang mga mag-aaral kapag responsable sila na palaging mag-aral at magpraktis sa labas ng klase.

Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa pag-aaral at pagpapraktis ng Ingles araw-araw?
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na tukuyin ang progreso nila?
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na maisaulo ang talasalitaan sa aralin at example sentences bago magsimula ang klase?

Turuan ang Isa’t Isa

overrideTextColor= overrideCardAlternateTextColor= overrideDisableBackgroundImage= overrideTextAlignment= overrideCardHideSection= overrideCardHideByline= overrideCardHideDescription= overrideCardShowButton= overridebuttonBgColor= overrideButtonText=

Ang mga mag-aaral ay magiging lubos na matagumpay kapag tinutulungan at tinuturuan nila ang isa’t isa. Maaaring maging mahirap ang pag-aaral ng wika, at ang pagkakaroon ng isang mapagsuportang grupo ay makatutulong upang magpatuloy ang mga mag-aaral kahit pinanghihinaan sila ng loob o gusto nang sumuko. Ang tungkulin mo ay lumikha ng kapaligiran kung saan makadarama ng pagmamahal ang mga mag-aaral at magiging komportable sa pakikisalamuha at pagsuporta sa isa’t isa. Tulungan ang mga mag-aaral na makilala at pagtiwalaan ang isa’t isa.

Bigyan ang mga mag-aaral ng mga pagkakataong ibahagi kung ano ang mga hamon nila sa buhay at ano ang ginagawa nila para magtagumpay. Mapanalanging maghanap ng mga paraan upang matulungan ang bawat mag-aaral na maramdaman na pinahahalagahan sila at kabilang sa grupo, lalo na ang mga hindi miyembro ng Simbahan. Hikayatin ang mga mag-aaral na suportahan ang isa’t isa at maglingkod sa mga taong nahihirapan. Sumangguni sa iyong mga lider para makahanap ng angkop na paraan para manatiling konektado ang grupo sa buong linggo sa pamamagitan ng group messaging o iba pang mga aktibidad.
Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano ko matutulungan ang mga grupo na magtiwala at bumuo ng pagkakaibigan?
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na turuan ang bawat isa at ibahagi ang kanilang mga karanasan?
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na manatiling konektado sa buong linggo?
Learn By Doing_Banner.jpg

Matututo sa Pamamagitan ng Paggawa

overrideTextColor= overrideCardAlternateTextColor= overrideDisableBackgroundImage= overrideTextAlignment= overrideCardHideSection= overrideCardHideByline= overrideCardHideDescription= overrideCardShowButton= overridebuttonBgColor= overrideButtonText=

Ang EnglishConnect 1 at 2 ay mga conversation class. Mithiin ng conversation class na bigyan ang bawat mag-aaral ng pagkakataon na magpraktis ng pagsasalita hangga’t maaari. Dapat na nag-uusap at nagpapraktis ang mga mag-aaral sa isa’t isa sa bawat bahagi ng lesson. Hikayatin ang mga mag-aaral na isaulo ang lesson vocabulary at example sentences bago magklase. Makatutulong ito sa kanila na maging handa na mas makinabang sa mga conversation class activity. Planuhin ang iyong oras para mas maraming oras ng klase ang naiuukol sa mga aktibidad na nagkakausap sila nang magkakapartner o sa maliit na grupo. Mas maraming oras na makakapagpraktis ang bawat mag-aaral kapag nagtutulungan sila nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

Malalaman mo na matagumpay ka kapag natatapos ng mga mag-aaral ang pag-uusap nang natural at hindi na nila kailangang gamitin ang kanilang mga aklat. Maraming mag-aaral ang nag-aatubili na magpraktis magsalita at natatakot magkamali sa harap ng ibang tao. Makatutulong ka na maipadama na walang masama kung maglakas-loob sila na sumubok at magkamali. Humanap ng mga paraan na maipagdiwang ang kanilang mga pagsisikap. Kung nagkamali ang mga mag-aaral, bigyan sila ng pagkakataon na matukoy ang pagkakamali at hayaan silang sumubok muli hanggang sa magtagumpay sila. Maging halimbawa sa pamamagitan ng pag-amin at pagtatama ng sarili mong mga pagkakamali nang nakangiti. Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang galak na nagmumula sa pagkilos nang may pananampalataya para matuto sa pamamagitan ng paggawa.

Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

Paano ko mababawasan ang oras na ginugol sa mga aktibidad sa talasalitaan at balarila para mas maraming oras ang maiukol sa mga aktibidad sa pakikipag-usap?

  • Paano ko paplanuhin ang bawat aktibidad para mas maraming oras na nag-uusap ang lahat ng mag-aaral?
  • Paano ko maipadarama sa klase na huwag matakot na magkamali?

Magsalita ng Ingles

overrideTextColor= overrideCardAlternateTextColor= overrideDisableBackgroundImage= overrideTextAlignment= overrideCardHideSection= overrideCardHideByline= overrideCardHideDescription= overrideCardShowButton= overridebuttonBgColor= overrideButtonText=

Sabihin sa klase na asahan na magsasalita ka ng Ingles sa klase, at anyayahan ang mag-aaral na gayon din ang gawin. Iwasan ang mahabang paglalarawan o paliwanag. Gumamit ng mga karaniwang salita, simpleng pangungusap, galaw ng kamay, o iba pang kagamitan sa pakikipag-usap. Kapag may mga tanong ang mga mag-aaral, anyayahan ang iba pang mag-aaral na tumulong sa pagsagot. Hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin ang magagamit na mga sanggunian para mahanap ang mga sagot (kabilang ang manwal ng mag-aaral, dictionary, at mga kaklase). Iwasang isalin ang lahat ng sinasabi mo. Kung gumagamit ka ng mga simpleng salita at inuulit ito nang dahan-dahan, maiintindihan ng karamihan sa mga mag-aaral ang pangkalahatang ideya—huwag mag-alala kung hindi ka sigurado na naiintindihan nila ang bawat salita.

Magtiwala na matutulungan mo sila nang lubos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga pagkakataong makinig at makipag-usap sa Ingles. Hikayatin ang mga mag-aaral na magsalita ng Ingles sa pakikipag-usap nila sa iyo at sa isa’t isa. Sabihin sa kanila na subukan munang magsalita sa Ingles, at gamitin ang mga salitang alam nila, at masigasig na pag-aralan ang mga salitang hindi nila alam. Hikayatin ang mga mag-aaral na gumamit ng maliit na notebook o iba pang mapagsusulatan ng mga bagong salita at kahulugan. Kung napakinggan mong nagsasalita sa katutubong wika ang mag-aaral, ipaalala sa kanila nang nakangiti na kumilos nang may pananampalataya para makapagsalita ng Ingles! Ang pagsasalita ng Ingles ay nangangailangan ng pananampalataya, ngunit ang pagkilos nang may pananampalataya ay mag-aanyaya sa Espiritu na tulungan ang lahat na matuto.
Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano ako makasisiguro na nagsasalita ako ng Ingles sa lahat ng oras?
  • Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na kumilos nang may pananampalataya para makapagsalita ng Ingles?
  • Paano ko maipadarama sa klase na ligtas, masaya at nakakaengganyo ang pagsasalita ng Ingles?

Mga Materyal sa Pagtuturo

Maa-access mo dito ang sanggunian na kailangan mo sa pagtuturo ng EnglishConnect.

For all EnglishConnect programs, the following terms apply instead of the BYU Privacy Notice at the bottom of the page:

EnglishConnect Terms of Participation | Terms of Use | Privacy Notice